PINGRIS NAGRETIRO NA

Marc Pingris

MAKALIPAS ang 16 taong paglalaro ay isinabit na ni Marc Pingris ang kanyang jersey.

Inanunsiyo ng Magnolia Hotshots veteran ang kangyang pagreretiro sa PBA noong Martes ng gabi sa pagsusulat ng mahaba at emotional post sa kanyang Instagram account.

Sinamahan ni Pingris ang kanyang retirement post ng isang one-minute clip na nagpapakita sa kanya bilang isang bata na lumaki sa Pozzorubio, Pangasinan hanggang sa kanyang paglalakbay sa Asia’s first ever play-for-pay league at bilang isa sa mga bayani ng Gilas Pilipinas.

Itinuring ni Pingris ang kanyang sarili bilang top defensive player sa kanyang buong career, isang katangian na nagbigay sa kanya ng kabuuang siyam na championships, tampok ang pambihirang grand slam noong 2014 sa Purefoods franchise.

Isang three-time Defensive Player of the Year at eighth-time member ng All-Defensive team, ang dating  PSBA stalwart ay nag-iwan din ng marka sa  kasaysayan ng Philippine basketball nang maglaro siya sa Gilas Pilipinas qualifying sa FIBA World Cup sa unang pagkakataon sa loob ng 36 taon kasunod ng dramatic 86-79 victory ng national team kontra South Korea sa 2013 FIBA Asia Cup semifinals sa Manila.

Si Pingris ay naging longtime Gilas regular at naging key fixture sa kanilang matapang na pakikihamok sa world heavyweights Greece, Croatia, Argentina at Puerto Rico at  African power Senegal sa world meet sa Seville.

“Thank you Tol sa buong puso mo! Salamat at naging part kami ng journey mo mula sa simula. Good luck sa bagong chapter. God bless you and your family! Happy retirement,” pahayag ni Gilas pal Ranidel de Ocampo.

Ang lahat ng ito ay katuparan ng pangarap para kay Pingris, na lumaki na nagtatrabaho sa wet market ng Pangasinan.

Naalala pa niya nang piliin siya bilang no. 3 overall selection ng FedEx sa 2004 draft na naging katuparan ng kanyang boyhood aspiration.

“Doon nagsimulang matupad ang pangarap ng isang batang palengke,” ani Pingris.

Ang 6-foot-4 forward na tinaguriang ‘Pinoy Sakuragi’ ay naglaro ng isang   season lamang sa Express bago napunta sa  Purefoods ng sumunod na season, kung saan niya natagpuan ang kanyang puwesto sa liga.

Nakopo niya ang kanyang unang titulo sa koponan sa 2006 Philippine Cup kung saan niya rin nakuha ang una sa dalawang Finals MVP sa kanyang career.

Naging bahagi ng PBA’s 40 Greatest Players, pinasalamatan din ni Pingris ang kanyang pamilya at mga minamahal, kabilang ang kanyang asawang si Danica at mga anak na sina Mic at Cael, dating coaches, teammates, at laha ng team personnel na kanyang nakatrabaho sa kanyang PBA journey.

Binanggit din niya sina SMC bosses Ramon S. Ang, Alfrancis Chua, Butch Alejo, Governor Rene Pardo, team manager Alvin Patrimonio, at late Eduardo ‘Danding’ Cojuangco.

Ang iba pang individual awards na napanalunan ni Pingris ay ang pagiging three-time Mythical Se­cond Team member, Most Improved Player, All-Star MVP, at 15-time All-Star. CLYDE MARIANO

129 thoughts on “PINGRIS NAGRETIRO NA”

  1. Pingback: 2passport
  2. Some are medicines that help people when doctors prescribe. Medicament prescribing information.
    ivermectin buy nz
    Medscape Drugs & Diseases. Prescription Drug Information, Interactions & Side.

  3. Top 100 Searched Drugs. Everything what you want to know about pills.
    ivermectin
    What side effects can this medication cause? Drugs information sheet.

  4. Commonly Used Drugs Charts. Prescription Drug Information, Interactions & Side.
    https://canadianfast.online/# non prescription ed drugs
    Some are medicines that help people when doctors prescribe. What side effects can this medication cause?

  5. Everything information about medication. Drugs information sheet.
    drugs from canada
    Learn about the side effects, dosages, and interactions. Prescription Drug Information, Interactions & Side.

  6. п»їMedicament prescribing information. Definitive journal of drugs and therapeutics.
    tadalafil 5mg cost
    Some trends of drugs. Learn about the side effects, dosages, and interactions.

  7. Comprehensive side effect and adverse reaction information. drug information and news for professionals and consumers.
    https://tadalafil1st.com/# tadalafil soft gel capsule 20mg
    Read information now. Everything information about medication.

  8. drug information and news for professionals and consumers. Cautions.

    https://propeciaf.store/ how to buy generic propecia without rx
    earch our drug database. drug information and news for professionals and consumers.

Comments are closed.