Ang usapan dito, 6-footer kaya yung 5’11” ang magic number ng height sa showbusiness. Ewan nga kung bakit kailangang maging matangkad para lamang naging hunk, samantalang alam naman nating hindi talaga katangkaran ang mga pinoy. Actually, standard ang 6-footer sa mga Hollywood stars, kaya tingin ko, hindi ito kailangan para maging hunk. Tingnan na lang natin ang mga hunk na ito:
John Pratts
Wala pang 5’6 ang height ni John Pratts. Actually, 5’5 3/8″ (1.66 m), mas matangkad pa ako. Insecure nga siya dati dahil yung karelasyon niya na si Bianca Manalo, 6’0″.
Coco Martin
Si Ang Probinsyano lead actor Coco Martin naman ay 5’7″ (1.7 m) lang. Ang weirdly lang na maraming Filipino action stars noon at ngayon ang hindi matangkad.
Aga Muhlach
Mas matangkad pa kay Aga ang anak niyang lalaking si Andres na 6’0” ang height samantalang siya ay 5’7″ (1.7 m) lamang. Mana sa isa.
Jericho Rosales
Mas matangkad din kay Jericho Rosales ang kanyang anak na si Santino na 6’1″ ang height, at 5’7” lang siya.
JC Santos
Isa pang 5’7″ (1.7 m) na hunk ay si JC Santos. Mula sa theater, sumabak siya sa TV at movies, at heto, guwapo pa rin.
Robin Padilla
Iispin mo bang 5’8″ (1.73 m) lang ang height ni Robin Padilla sa angas niya?
James Reid
At si James Reid, 5’8″ (1.73 m) din lang pala! Sabagay, bagay naman sa kanya.
Paulo Avelino
Kung tingin lang dadaanin, tayong 6-footer si Paulo Avelino, pero 5’9″ (1.75 m) lang talaga siya batay sa Star Magic profile.
Jake Cuenca
Tulad ni Paulo, 5’9″ (1.75 m) din ang height ni Jake Cuenca. Pag mag-best friend ba, dapat, pareho ang height?
Matteo Guidicelli
Kahit puno ng muscles, 5’9” pa rin ang height ni Matteo Guidicelli na karaniwan lang sa mga kabataang Filipino sa ngayon.
Derek Ramsay
At si Derek Ramsay, 5’9″ (1.75 m) din ang height — not too tall and not too short.
Gerald Anderson
Isa pang actor na 5’10” (1.78 m) lang ang height ay si Gerald Anderson.
John Lloyd Cruz
Signature ni John Lloyd Cruz ang cropped trousers and loafers at 5’10” (1.78 m) ang height niya.
Enrique Gil
Kita nyo kung gaano kasikat ang 5’10” (1.78 m) na si Enrique Gil?
Sam Milby
For some reason, mas matangkad tingnan si Sam Milby kesa tunay niyang height na 5’10”. Pero hindi naman talaga maliit ang 5’10” di ba?
Dingdong Dantes — 5’11” (1.8 m)
Hindi na talaga lugi si Marian Rivera kay Dingdong Dantes dahil bukod sa tangkad niyang 5’11”, guwapo pa siya at maganda pa ang katawan.
Joshua Garcia
At 5’11”, isa si Joshua Garcia sa mga pinakamatatangkad na young actors natin sa kasalukuyan.
Daniel Padilla
Isa pang 5’11” ang height ay si Daniel Padilla.
Piolo Pascual
Sa 5’11” (1.8 m) height standard started noong ’90s, pasok na pasok talaga si Piolo Pascual, ang Papa P ng bayan.
Alden Richards
Sa tangkad na 5’11”, kataka-taka bang sumikat si Alden Richards? Nasa kanya ang standard leading man looks at height. KNMartin