PINOY ARNIS PLAYERS MASUSUBUKAN SA SEAG

Arnis

MASUSUBUKAN ang kakayahan ng mga atleta ni Philippine Eskrima Kali Arnis Federation chairman and president Senator Juan Miguel Zubiri sa nalalapit na 30th  Southeast Asian Games.

Ang grupo ni Zubiri ang kinilala ni Philippine Olympic Committee (POC) president Rep. Abraham Tolentino bilang lehitimong arnis organization sa bansa kasabay sa pagpapatalsik sa Arnis Philippine Inc. na pinamumunuan ni Raymond Velasyo.

Kinilala ng POC ang grupo ni Zubiri sa botong 38-5 para sa karapatan na  katawanin ang Filipinas sa mga international sports competition tulad sa SEA Games, at humingi ng financial assistance sa Philippine Sports Commission (PSC) na pinamumunuan ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Ang SEA Games ang unang international competition na lalahukan ng tropa ni Zubiri at kailangan niyang patunayan kay To-lentino na hindi ito nagkamali sa pagkilala sa kanyang grupo bilang lehitimong arnis organization.

“Sen. Zubiri and his bunch of gritty warriors must prove and convince not only Rep. Tolentino but also Philippine Sports Commission chairman and Chief of Mission William Ramirez and the arnis community that they are strong and capable of winning medals in the SEA Games,” sabi ng isang arnis enthusiast.

Matapos kilalanin ng POC, agad na nagsagawa si Zubiri ng nationwide search para sa young promising arnis players sa pamamagitan ng iba’t ibang torneo.

“We conducted nationwide series of eliminations to get the best and the brightest arnis practitioners because our ultimate goal is to win many medals and help the Philippine quest for the overall championship,” sabi ni Zubiri.

Hindi  nagbigay ng prediksiyon subalit kumpiyansa ang taga-Bukidnon na  senador na maraming medalya ang kukunin ng kanyang tropa.

“I will not predict the number of medals we will win. For sure, our fighters will win no matter how tough the oppositions are,” ani Zubiri.

Ang arnis ay kabilang sa mahigit 10 combat sports na  lalaruin sa biennial meet na gaganapin sa bansa sa Nobyembre 30-Disyembre 11. CLYDE MARIANO

Comments are closed.