PINOY BAWAL MUNA SA JEJU ISLAND SA KOREA

JEJU ISLAND

MAYNILA – PANSAMANTALANG hindi papayagan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga turistang Filipino na patungo sa mga tourist destination sa Jeju, South Korea kasunod ng 2019 novel coronavirus outbreak.

Pahayag ni BI port operations division chief Grifton Medina na ang ipinapatupad na travel ban policy ay kasunod ng pag-suspinde rin ng visa free entry ng Korean Embassy sa lahat ng Filipino patu­ngong Jeju.

Ang pagsuspinde ng Korean Embassy ay kasunod ng pagkumiprma ng DOH sa kauna-unahang namatay na pasyente na may nCoV sa San Lazaro Hospital sa Maynila.

Nabatid na ang pagsuspinde ng tourist free visa patungong Jeju ay hindi lamang para sa mga Filipino kundi maging sa lahat ng dayuhang turista.

Dagdag pa nito na umabot na sa 300 na dayuhan ang hindi pinayagang pumasok sa airport kasunod ng travel ban na ipinapatupad ng China, Macau at Hongkong. PAUL ROLDAN

Comments are closed.