DAHIL balik ang chess sa Southeast Asian Games makaraang hindi ito laruin sa dalawang nagdaan edisyon sa Singapore at Malaysia, sinabi ni chess legend Eugene Torre na makatutulong ito sa medal campaign ng Filipinas sa 30th edition ng biennial meet na gaganapin sa bansa sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.
“Chess is back in the calendar of SEA Games. Malaking papel ang gagampanan ng mga chess player sa medal campaign,” sabi ni Torre sa panayam sa kanya sa Philippine Sports Commission.
Aniya, nakahanda siyang muling pamunuan ang team sa SEA Games sakaling kunin ulit ang kanyang serbisyo.
“Ok sa akin,” sabi ni Torre. “Of course, ang decision ay nasa National Chess Federation.”
Dahil sa kanyang mahabang karanasan, si Torre ay naging ‘heart and soul’ sa maraming international chess competitions mula nang makuha ang coveted GM norm noong 1974 sa Nice, France.
Naniniwala si Torre na mabigat ang kampanya ng mga Pinoy at ang pinakamahigpit na makakalaban ay ang Vietnam.
“Vietnam is our toughest rival. Malakas ang Vietnamese lalo na sa blitz. Sa standard malaki ang pag-asa natin,” ani Torre.
Ipinakita ng mga Pinoy ang kanilang kahandaan sa SEA Games nang mag-uwi ng maraming medalya sa nakaraang ASEAN Plus Chess Championship na ginawa sa Davao bago ang Palarong Pambansa. CLYDE MARIANO
Comments are closed.