GOOSEBUMPS ang naramdaman namin nang may magpadala sa amin ng picture na tungkol sa honor at pasasalamat na ginawa ng bansang Brazil para sa ating mga doctors and nurses bilang mga frontliners sa COVID-19.
Actually, hindi lamang sila ang mga bansang kumikilala sa kahusayan at pakikisama ng mga doctors and nurses, iba pang health workers na nagtatrabaho sa kanilang lugar. Kaya ang pasasalamat din natin sa Brazil sa pagkilala nila sa ating mga frontliners.
“Thank you Brazil for honouring the Philippines and Filipino doctors by putting the Philippine flag and doctors’ coat and stethoscope with ‘SALAMAT’ on Christ The Redeemer (Cristo Redentor) in Rio de Janeiro, Brazil.”
Iniisip nga namin kung paano nila nailagay sa Christo Redentor iyon, dahil kung hindi kami nagkakamali, napakataas ng statue, 38 meters ang taas, overlooking the whole of Brazil.
MAINE MENDOZA NAGSULAT NG SCRIPT FOR A ROMCOM MOVIE
MAY isa palang dream si phenomenal star Maine Mendoza na natupad na. Sa last interview sa kanya ng MYX Ph. kay Maine, naitanong sa kanya kung ano ang gusto pa niyang ma-achieve pagkatapos ng marami na niyang mga achievements na nagawa simula nang pumasok siya sa showbiz in 2015?
“Mag-quit sa showbiz,” biro ni Maine. “Joke lamang iyon. Pero gusto kong magsulat ng script ng pelikula. Pero the truth is, meron na akong nagawang movie script, isang romantic-comedy movie, kasi, doon ako nasanay simula nang pumasok ako sa “Eat Bulaga,” iyon ang comfort zone ko. Kaya sana mabigyan ako ng chance, happiest moment ko iyon nang matapos ko ang script. Sana mai-produce iyon, at makita ko sa credits na ‘screenplay by Maine Mendoza, directed by Maine Mendoza.”
We’re sure na matutupad iyon, at tiyak din, kung may magpo-produce ng movie, ang hihilingin ng AlDub Nation, si Alden Richards ang maging leading man niya. Kaya dasal-dasal na lamang kayo mga ADN na matupad ang inyong wish. Ano kaya ang title ng script na isinulat ni Maine?
TINDAHAN NI ALDEN SA BINAN ISANG TAON NA
ISANG malaking celebration sana ang inihanda ng may-ari ng McDonald’s Binan Highway in Laguna, na si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa first year anniversary ng said food chain store last Sunday, April 26. Early March, 2020 pa lamang inilabas na ng store ang giveaways na ipamimigay sa mga dadalo sa celebration, at kahit mga AlDub fans abroad, nagpadala na ng pera para sa mga counterparts nila rito, na ipinagpasalamat na ni Alden. Pero early February, nagkaroon na ng outbreak ng COVID-19. Nagkaroon na ng enhance community quarantine. Hindi na pwedeng totally buksan ang store at pwede lamang ang take-outs at deliveries. Si Alden, mas inasikaso na ang pagbibigay ng tulong ng McDonalds sa mga frontliners sa hospitals, sa military at lahat ng nangangasiwa sa pandemic, nakarating ang tulong nila hanggang sa Cebu.
Kaya last Sunday, April 26, nagpasalamat na lamang si Alden sa pamamagitan ng social media accounts niya: “One year na po kami, maraming salamat po sa suporta’t pagmamahal.”
Congratulations Alden!