MALAKI ang pangangailangan ng health workers sa Oman subalit ang mga aplikante ay kailangang bakunado.
Ayon kay Labor Attaché Gregorio Abalos ng Philippine Overseas Labor Office sa Oman, hindi bababa sa 350 ang job openings para sa nurses na may sahod na P50,000 kada buwan.
Ang mga interesadong aplikante ay kailangang bakunado subalit sinabi ni Abalos na may ilang preferred brands na tinatanggap para sa mga nais pumasok sa naturang bansa, at hindi kasama rito ang Sinovac.
“Initially Pfizer, Moderna, AstraZeneca. But as time went on, Sept. 1, they lifted the deployment ban dito (here), they said Johnson & Johnson. I think except Sinovac, Sinovac ang hindi kasama,” aniya.
Ang mga aplikante ay papayagan lamang bumiyahe sa Oman, 14 araw matapos ang kanilang final vaccine dose.
Nauna nang nagpatupad ang Pilipinas ng cap sa deployment ng health care workers dahil sa pagtaas ng demand sa bansa dulot ng COVID-19 pandemic.
May ilang bansa ang nakikiusap na taasan ang cap sa deployment ng mga nurse, kabilang ang Germany.
865641 12514excellent issues altogether, you merely gained a new reader. What could you recommend about your post that you made some days within the past? Any positive? 507737
778905 5884This sort of in search of get the enhancements made on this unique lifestyle and diet, begin your L . a . Shifting the pounds diet answer can be a huge procedure into accesing which normally hope. weight loss 228830