PINOY NA NAWALAN NG TRABAHO SA ITALY SASAKLOLOHAN

Italy

ROME – KUMILOS na ang ilang awtoridad  para tulungan ang mga overseas Filipino worker sa Italy na nawalan ng trabaho kasunod ng lumalalang kaso ng coronavirus disease 2019 sa nasabing bansa.

Sinabi ni Center for Employment and Service for Nationals – migrant consultant Analisa Bueno na nakahanda umanong magbigay ang kanilang tanggapan ng legal help sa mga Pinoy na nais magreklamo dahil sa pagkakatanggal o hindi pagpapasuweldo sa kanila ng kanilang mga boss dahil sa COVID outbreak.

Iginiit nito na hindi umano maaa­ring tanggalan ng benepisyo ang mga manggagawang Pinoy sa Italy dahil sa nasabing sakit sapagkat hindi naman umano nila ginusto na lumala ang sitwasyon.

Aminado si Bueno na maraming mga Pinoy workers sa Italy ang apektado ng nasabing out-break ngunit sa ngayon ay wala pa silang eksaktong bilang ng mga Pinoy na natanggal o nawalan ng trabaho dahil sa nasabing sakit. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.