SEOUL – NAGPAHIWATIG na ng takot ang ilang overseas Filipino workers (OFWs) nang sumampa sa 200 ang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19.
eemina Valencia Kim, nagtatrabaho sa pagawaan ng kimchi, taga-Gangwondo, South Korea at nakapag-asawa siya ng isang Koreano, nagpa-panic na sila dahil malapit lamang sila sa Seoul kung ilan na ang naapektuhan ng virus.
Sinasabing mahigit na sa 200 katao ang nagka-infect ng deadly virus na domoble pa.
Nangangamba naman ang mga OFW na magsasara ang pinagtatrabahuang kompanya dahil sa banta ng COVID-19.
Sinabi ni Kim na kung may magkalagnat na empleyado sa kompanya ay isasara ito.
Kaugnay nito, naroon din ang pinakamalaking casino sa kanilang lugar kung saan maraming banyaga na pumupunta sa nasabing establisimiyento. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.