PINOY NAKALABAS NA SA QUARANTINE SA HK

Raly Tejada

KOWLOON – NAKALABAS na ng quarantine para sa coronavirus disease-2019 (COVID- 19) ang nag-iisang Filipino na unang hi­nihinalang nagpositibo sa nasabing sakit, ayon kay Consul General Raly Tejada.

Paliwanag ni Tejada, malusog ang Pinay at maaari nang bumalik sa trabaho.

“She is healthy and has returned to her place of work. This brings the number of Filipinos in quarantine to zero,” ayon kay Tejada.

Gayunman, dalawang Filipino pa aniya ang nagpositibo sa nasabing sakit at nananatling nasa ospital.

Patuloy rin aniyang nagpapakita ng sintomas sa COVID 19 ang mga Pinoy. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM