PINOY ROWERS BIGO SA OLYMPIC QUALIFIER

rower

SIBAK na sa kontensiyon ang mga Filipino rower sa 2021 Asia and Oceania Olympic Continental Qualification Regatta sa Tokyo, Japan.

Tanging si Cris Nievarez ang nakalapit sa  Olympic berth.

Ang 2019 SEA Games gold medalist ay pumang-apat sa men’s single sculls at kinailangang kumarera sa repechage, kung saan tumapos siya sa unang puwesto sa oras na walong minuto at 11.40 segundo upang kunin ang isa sa 12 slots sa semifinals.

Gayunman, sa semifinals kahapon, ang 20-year-old rower ay tumapos lamang sa ika-5 puwesto para maglaho ang pangarap na makapaglaro aa Olympics.

Bukod kay Nievarez, dalawang pares din ng Filipino paddlers ang nasibak sa kontensiyon.

Nagkasya ang duo nina Roque Abala Jr. at Zuriel Sumintac sa  fourth place finish sa men’s doubles sculls event makaraang tumapos na may oras na 7 minuto at 39.35 segundo.

Tumapos din sina Abala at Sumintac sa ika-4 na puwesto sa heat round.

Nabigo rin ang tambalan nina Melcah Caballero at Joanie Delgaco na makakuha ng Olympic ticket matapos na pumangatlo lamang sa women’s doubles sculls, na may oras na 8 minuto  at 14.30 segundo.

11 thoughts on “PINOY ROWERS BIGO SA OLYMPIC QUALIFIER”

  1. 683201 694337Admiring the time and energy you put into your weblog and in depth details you offer. Its excellent to come across a weblog every once in a although that isnt exactly the same old rehashed material. Amazing read! Ive bookmarked your internet site and Im adding your RSS feeds to my Google account. 993768

Comments are closed.