PINOY SA ABROAD NA MAY COVID HALOS 20K NA

TUMAAS na naman sa 19,772 ang bilang mga Pinoy sa abroad na dinapuan ng COVID-19.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), sa pitong panibagong kaso, isa ang naiulat na naka-recover mula sa naturang virus at wala namang namatay.

Sa kasalukuyan ay 6,540 ang naka-recover samantalang ang 1,194 ay namatay.

Ayon sa DFA, 94 na mga bansa na may mga Pinoy ay dinale ng COVID-19, na 1,323 sa Asia Pacific, 930 sa Europa, 4,172 sa Middle East at Africa at 115 sa America.

Sa Filipinas ay nasa 1,240,716 katao na ang dinapuan ng COVID-19, 21,158 ang namatay, 1,167,426 ang pawang mga naka-recover at 52,132 ang active cases.

Matatandaan na ang naturang virus ay nagmula sa Wuhan, China nitong nakaraang 2019, samantalang ang variant virus ay nakapasok na sa United Kingdom, South Africa, Brazil, India at Filipinas

Base sa datus na US-based Johns Hopkins University, nasa 171.2 milyon katao ang dinapuan ng COVID-19 sa buong mundo, na ang mga nangungunang bansa ay ang United States of America, India, Brazil, France at Turkey at mahigit sa 3.5 milyon katao ang namatay sa buong mundo dahil na rin sa nasabing virus. LIZA SORIANO

8 thoughts on “PINOY SA ABROAD NA MAY COVID HALOS 20K NA”

  1. 857921 872668Over and more than once more I consider these concern. As a matter of fact it was not even yesterday that I last thought about it. To be honest, what is your thought though? 80890

  2. 813051 158170This design is steller! You undoubtedly know how to maintain a reader entertained. Between your wit and your videos, I was almost moved to start my own blog (properly, almostHaHa!) Amazing job. I really enjoyed what you had to say, and a lot more than that, how you presented it. Too cool! 60519

Comments are closed.