PINOY SEAMAN, 22 PA LIGTAS SA GULF REGION

seaman

IRAN – NILINAW ng Revolutionary Guards ng bansang ito na ligtas ang Filipino seafarer gayundin ang 22 iba pang kasama nito na lulan ng Stena Impero, isang British-flagged oil tanker na unang napaulat na na-hijack.

Sa panayam sa pinuno ng Ports and Maritime Organization of Iran na si Allahmorad Afifipour sa Hormozgan Province na nai-ere sa local television, sinabing lahat ng crew member na may kabuuang 23 ay pawang ligtas at nasa maayos na lagay na kasalukuyang nasa Bandar Abbas port sa Hormozgan Province.

Gayunman, kinodenta pa rin ng Britain na ang seizure o pagsakote sa barko sa Gulf region at iti­nuring na hostile act habang hindi rin tinanggap ang paliwanag ng Tehran government na kanilang kinuha ang watercraft vessel dahil nasangkot ito sa aksidente

“All 23 crew members aboard the ship are safe and in good health in Bandar Abbas port,” ayon kay Afifipour.

Samantala, ang Stena Bulk na nakabase sa Sweden ay nagpahayag na kanilang nang inihahanda ang formal request para mabisita ang mga crew,  na pawang mula sa Filipinas, India, Latvia at Russia.

Sa pahayag ng Stena na ni-require sila ng Iran na magsagawa ng formal request para sa pagbisita.

Patuloy namang bineberipika kung ang seizure ng Stena vessel ay may kaugnayan sa banta ng Tehran na gaganti sa umano’y nauna nang pag-sakote ng Britain sa Iranian tanker na Grace 1 sa Gilbratar noong Hulyo 4 na pinagdudu-dahang may paglabag sa Syria. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.