PINOY TOURISTS BUMUHOS SA ISRAEL

ISRAEL-5

TARGET ng Israel ang mas marami pang turista mula sa Fi­lipinas sa gitna ng lumalawak na interes ng mga Pinoy na bumisita sa Holy Land.

“We are constantly working to increase destination awareness among travelers and the travel trade and working towards bringing leisure tourism to Israel from the Philippines as well,” wika ni Sammy Yahia, director ng Israel Ministry of Tourism for India and the Philippines.

Ayon kay Yahia, ang Israel ay nagi­ging puntahan na para sa leisure travelers, at ang Filipino tourist arrivals ay lumobo sa mga nakalipas na taon.

Aniya, ang 2018 ay record-breaking year kung saan halos 31,000 Filipino tourists ang bumisita sa Israel, mas mataas ng 26 percent sa naitala noong 2017.

Hanggang noong Hunyo 2019, tinata­yang nasa 14,300 Fi­lipino tourists ang bumisita sa Israel, na mas mataas ng 19 percent sa naitala sa kaha­lintulad na panahon noong nakaraang taon.

“We are confident this trend will continue,” ani Yahia.

Ang Philippine passport holders ay may visa-free access sa Israel na hanggang 90 araw.

Ang Turkish Airlines at Cathay Pacific ang kasalukuyang nagseserbisyo sa Manila–Tel Aviv route via Istanbul at Hong Kong, ayon sa pagkakasunod.

Inanunsiyo rin ng Philippine Airlines ang interes nito na magbukas ng flights mula Manila hanggang Tel Aviv.

“With the increase in connectivity, there is great potential to increase the tourism figures to Israel from the Philippines,” ani Yahia.

Comments are closed.