PINOY WORKERS SA CAR COMPANY APEKTADO NG NCOV SCARE

South Korea

SOUTH KOREA – ILAN sa mga Filipino worker sa bansang ito ang labis na naapektuhan ang kabuhayan nang pansamantalang isuspinde ang operasyon ng itinuturing na pinakamala­king car factory sa buong mundo.

Sinabi ng isa sa manggagawa ng car factory na hanggang ngayong araw pa sila nakabakas­yon matapos ang kautusang manatili sa kanilang tinutuluyan.

Umaabot sa 25,000 ang mga kawani ng planta ng sasakyan sa South Korea ang higanteng Ulsan complex.

Ang self-quarantine ay dulot sa pangamba na novel coronavirus outbreak sa China at pahirapan aniya ang pagpapadala ng mga spare part na ginagamit sa paggawa ng sasakyan.

Aniya, bagama’t may ibang bansa pa naman na puwedeng maging supplier ng mga spare parts, ngunit ang China aniya ang pangunahing supplier dahil mas mababa ang halaga rito kumpara sa ibang mga bansa. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM