UMAKYAT na sa P315.3 million ang pinsala sa agrikultura ng mga pag-ulan at pagbaha dulot ng shear line at northeast monsoon sa MIMAROPA, Bicol, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Caraga, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Sa ulat ng DA, kabilang sa mga naapektuhan ang 10,182 magsasaka habang ang nawalang produksiyon ay aabot sa 3,049 metric tons (MT) at ang napinsalang taniman ay nasa 15,566 ektarya.
“Affected commodities include rice, corn, high value crops, livestock and poultry,” ayon sa DA.
Sinabi ng ahensiya na ang pinakamalaking pinsala ay naitala sa rice fields kung saan P297.4 million ang iniulat na nawasak.
“Damage to corn reached P16.1 million, P1.7 million to high value crops; and P174,300 for pigs and chickens,” nakasaad pa sa report ng DA.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang shear line ay ang convergence ng cold at warm winds.