PUMALO na sa P2.3 billion ang halaga ng pinsala sa agrikultura ng bagyong Agaton sa Mindanao, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Sa typhoon bulletin ng ahensiya hanggang kahapon ng alas-12 ng tanghali, sinabi ng DA na ang bagyo ay nakaapekto sa 54,013 magsasaka at mangingisda, na may volume of production loss na 70,064 metric tons (MT) at 25,632 ektarya ng agricultural areas sa Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao Region, Soccsksargen at Caraga.
Ang pinakabagong halaga ng pinsala sa agrikultura ay mas mataas sa P1.4 billion na naitala noong Martes.
“The increase in overall damage and losses is due to additional reports on rice, corn, high value crops, livestock and fisheries in Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Soccsksargen and Caraga; and new reports on rice, corn, high value crops, and agricultural infrastructures from [the] Bicol [Region] and Davao Region,” pahayag ng DA.
Ayon sa DA, ang mga apektadong commodities ay bigas, mais, high value crops, livestock, at fisheries.
“Damage has also been incurred in agricultural infrastructures. These values are subject to validation,” sabi pa ng ahensiya.
Pagdating sa value loss, ang bigas ang pinakaapektadong commodity na may P947.3 million sa 23,208 ektaryang lupain at volume loss na 56,095 MT.
Sumusunod ang fisheries na may P778.6 milyong halaga ng fisheries produce, fishing boats, gears, at engines lost at 2,585 mangingisda na apektado.
Ang high-value crops, partikular ang gulay, cacao, at prutas, ay nagtamo ng pinsala na nagkakahalagang P241.8 million na may volume loss na 12,080 MT at 1,133 ektaryang lupain na nawasak.
Umabot naman sa P53.2 million ang halaga ng pinsala sa mais, at may volume loss na 1,889 MT, at 1,291 ektarya ng mga pananim na nawasak.
“Livestock and poultry’s damage and losses amounted to P37.5 million, with 71,893 heads of chickens, swine, carabaos, ducks, goats, horses, and turkeys killed,” ayon pa sa DA.
Samantala, ang irrigation at agri-facilities, partikular ang communal irrigation system, riprap, at irrigation canal, ay nagtamo ng P203.3 million na halaga ng pinsala.