MAGIGING busy ngayong taon si Piolo Pascual dahil bukod sa nakatuon siya sa mga upcoming project nila sa Spring Film kung saan nga isa siya sa producer, ay may nakatakda pa siyang pelikulang gagawin sa sariling production. Isama pa dito ang naka-line up niyang pe-likulang gagawin sa Star Cinema.
Kasama rin si Papa P sa pelikulang Marawi nila ni Robin Padilla kaya sa taong ito ay nakatutok siya sa movie at tila ang paggawa ng teleserye ay kanya munang maisasantabi.
Para naman sa 10th year celebration ng kanyang Spring Films ay napakaraming plano ang naturang production outfit, at kasama na nga rito ang con-cept nila para kay Kathryn Bernardo na nakatakda pa nilang i-pitch, ang History of Parking Lot na kung saan hindi kasama si Daniel Padilla sa pelikula.
Tinanong tuloy si Papa P ng press kung paghihiwalayin nila ang KathNiel?
“Wala kaming kinalaman doon,” nakangiting say ni Papa P sa ginanap na presscon para sa 10th anniversary ng Spring Films at premiere night na rin ng pelikulang Kuya Wes.
Katuwiran ni Piolo may iba raw silang pelikulang nakalaan para kay Daniel kaya totoo ngang paghihiwalayin muna nila ang tambalan ng dalawang sikat na loveteam.
Dahil 10 anniversary ng Spring Films this year ay 10 pelikula rin ang nakatakda nilang ipalabas at buwenamo nila ang Kuya Wes na pagbibidahan ni Ogie Alcasid, Ina Raymundo at Moi Bien sa direction ni James Robin Mayo.
Dumating si Ogie at kanyang misis na si Regine Velasquez sa ginanap na premiere night sa UP Sine Adarna last Monday.
Ang Kuya Wes ang magsisilbing opening film ng Spring Film sa taon at parte nga ito ng 10th anniversary ng production outfit ni Papa P na kung saan co-producer din si Ogie nina Papa P at Bb Joyce Bernal.
INA RAYMUNDO IPINAKITA SA SOCMED ANG KASEKSIHAN NG ANAK
KAMAKAILAN lang ay binulabog ni Ina Raymundo ang social media nang i-post niya ang naka-bikini photo ng kanyang panganay na anak na si Erika, 17 years old habang nasa Australia ito last year.
Sa naturang larawan ay ipinapakita kung gaano kaseksi ng kanyang panganay na anak, na sa murang edad ay nagmumura na ang laki ng upper bumper.
Dahil nga roon ay tinawag ni Ina ang anak na vavaboom dahil tinalo raw siya sa angas ng natural nitong resources.
Very proud si Ina sa kaseksihan ng panganay na anak, kaya naman may naisip itong sana raw ay ipalit si Erika sa kanya sa commercial na “Sabado Nights” ng San Miguel, nung bago lang siya sa pag-aartista.
Kaagad nga nakaisip ng storyline si Ina dahil sa kaseksihan ng anak. Sana raw kunin silang dalawa ng kanyang anak ng San Miguel Beer at sa magiging commercial ay ipapasa niya ang korona kay Erika bilang Sabado Night Girl.
Hindi rin problema kay Ina kung magpaseksi ang kanyang panganay sa social media dahil naniniwala siya at nararamdaman niya na malakas ang feminist ni Erika.
Katuwiran ni Ina ay walang masama sa ginawa ni Erika dahil sensible naman ang pagsusuot ng bikini ng anak, lalo`t nasa beach naman ito.
Hindi rin magtataka si Ina kung balang araw ay pasukin na rin ni Erika ang showbiz. Nagpapakita raw kasi ito ng interest na mag-artista.
Sa premiere night Kuya Wes ay nagmistulang dalagang-dalaga pa rin si Ina. Ganoon pa rin ang kaseksihan at parang hindi nagkaka-edad sa ganda at kaseksihan ng katawan.
Comments are closed.