PIPINO AT ANG BENEPISYONG MAKUKUHA RITO

PIPINO

Ang pipino ay 95% water kaya nakatutulong ito upang maiwasan ang dehydration. Nakatutulong din ito upang mawala ang toxins sa ating katawan. Nagta­taglay rin ito ng Vitamin C, Vitamin B, beta-carotene at manganese. Mainam din itong pa­ngontra sa sakit na cancer dahil naglalaman ito ng lariciresinol, pinoresinol at  secoisolariciresino.

Nakatutulong din ang pagkain ng pipino upang mabawasan ang cholesterol level. Bukod pa riyan, ang potassium, fiber at magnesium na makukuha sa pipino ay mainam upang mag-regulate ng maayos ang blood pressure.

Bukod sa mga nabanggit, narito pa ang ilan sa magandang benepisyong naibibigay ng pipino sa atin:

PANTANGGAL NG BAD BREATH

Napakaraming dahilan kung kaya’t nagkakaroon ng bad breath ang marami. Kung ano-anongPIPINO_3 produkto rin ang nagkalat ngayon sa merkado na maaari nating magamit upang mawala ang bad breath. Gayunpaman, may kamahalan at hindi rin natin natitiyak kung epektibo ito.

Kaysa nga naman gumastos ng malaki sa pagbili ng mga produktong nakatutulong upang mawala ang pinoproblemang bad breath, bakit hindi muna subukan ang pipino.

Maaaring magamit ang pipino upang matanggal ang mabahong hininga. Ang gawin lang ay kumuha ng isang hiwa ng pipino at idikit ito sa itaas na bahagi ng bibig at ipitin gamit ang dila sa loob ng tatlumpong segundo. Ang phytochemicals na mayroon ang pipino ay siyang papatay sa mga bacteria na naging sanhi ng pagbaho ng hininga.

NAKATUTULONG UPANG MABAWASAN ANG TIMBANG

Kaysarap kumain kaya’t hindi maiwasang magkaroon tayo ng bilbil o bumigat ang ating timbang. Kung nagpaplano namang mag-diet maa­aring isama ang pipino sa mga kinakain dahil mababa ang calorie content nito at mataas naman ang water content na nakatutulong upang mabawasan ang timbang.

Nakatutulong din ito sa proper digestion. Sa katunayan, ang madalas na pagkain ng pipino ay mainam na gamot sa constipation. Puwede rin itong gawing smoothie.

NAKABABAWAS NG HANGOVER

Hindi maiiwasan ang mapainom ng marami lalo na kung nagkakasiyahan ang barkada o pamilya. Pero isa sa epekto ng pag-inom ng marami ay ang pagkakaroon ng hangover.

Mainam din ang pipino para mabawasan ang hangover dahil sa taglay nitong sugar, vitamin B at electrolytes.

Ang kailangan lang gawin ay kumain ng ilang hiwa ng pipino bago matulog nang mabawasan ang intensity ng iyong hangover kinabukasan.

NAKATUTULONG SA BRAIN HEALTH

PIPINOMainam din sa brain health ang pipino dahil sa taglay nitong fisetin, isang anti-inflammatory flavonol. Nagagawa rin nitong ma-improve ang memory at maprotektahan ang nerve cells.

Hindi lamang tuwing sa pagkain makakakuha ng health benefits dito, mainam rin ito na pantanggal ng mugto ng mata at panggamot sa mga skin irritations at sunburn. Maaari rin itong magamit na pantanggal ng fog sa mga salamin.

Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng pipino. Ang dahon ng pipino ay maaaring katasan upang magamit sa panggagamot. Ang hilaw o hinog na bunga nito ay maa­aring gamitin para sa ilang kondisyon sa katawan. Maaari itong katasan, kainin, dikdikin at ipantapal.

Mabisa rin ang pag-inom sa pinaglagaan ng buto ng pipino.

Sa rami ng benepisyong naibibigay ng pipino sa ating kalusugan, dapat lamang na isama natin ito sa kinahihiligan nating pagkain. (photos mula sa google) CS SALUD