PISO KONTRA DOLYAR BUMABA PA SA P57.135

PISO-DOLLAR-3

LALO pang humina ang Philippine peso kontra dolyar sa ikaapat na sunod na trading day, ayon sa datos mula sa Bankers Association of the Philippines (BAP).

Nagsara ang piso sa P57.135 kontra dolyar, na panibagong record low, matapos ang trading ng hanggang P57.33.

Ang piso noong Martes ay nagsara sa P57:$1, P56.999 noong Lunes, at sa P56.77 noong nakaraang Biyernes.

Ayon kay BAP Managing Director Benjamin Castillo, apektado ang piso ng paglakas ng dolyar.

“My observation is that the strength of USD has a global impact, the PHP is not exempted. We also do not have the same level of USD lending as we had in earlier crises,” sabi ni Castillo.

Ang US dollar ay patuloy na lumalakas dahil sa pagtaas ng interest rates sa Amerika.