SUMADSAD ang piso sa panibagong all-time low kontra dolyar nang magsara ito ss P57.48:1 nitong Martes.
Sa datos ng Bankers Association of the Philippines (BAP), ang piso ay humina sa hanggang P57.5 sa intraday trading.
Noong Biyernes, ang piso ay nagsara sa P57.43:1.
Ang pagtaas ng interest rate ng US Fed ang dahilan ng paglakas ng dolyar, na nagresulta naman sa paghina ng ibang currencies, kabilang ang piso.
“[US] Inflation is still heading upwards. It’s very clear that the Fed will raise rates by at least 75-basis points and our expectation is that it will continue to raise rates by November, December and into next year,”
pahayag ni Moody’s Analytics Chief APAC Economist Steven Cochrane sa ANC.