SUMADSAD pa ang piso sa P58 kontra dolyar nitong Miyerkoles, Set. 21, habang naghhintay ang mga merkado sa buong mundo sa desisyon ng US Federal Reserve sa panibagong interest rate hike, ayon sa the Bankers Association of the Philippines (BAP).
Binura ng bagong record low ang pagsasara noong Martes na nasa P57.48.
Sinabi ni First Metro Securities’ Equity Research Deputy Head for Retail Royce Aguilar sa ANC na sa paglakas ng US dollar ay posibleng pumalo ang piso sa P60.
Ayon kay Aguilar, maaaring maging normal sa fourth quarter sa likod ng paglakas ng remittances. Ang paghina, aniya, ngayong quarter ay sanhi ng import season at ng agresibong Fed.
“We’re hoping that P58 is the peak before normalizing to about P56 by year-end but if you take a look at the phase of the Fed raising rates, there’s still upside to that in terms of the US dollar. It would be possible that the peso could reach around P60. It’s possible, definitely,” aniya.
Inaasahang iaanunsiyo ng Fed ang panibagong interest rate hike para mapahupa ang inflation.