PISO KONTRA DOLYAR SUMADSAD PA SA P58.49

PISO-DOLLAR-3

PATULOY sa paghina ang piso kontra dolyar nitong Huwebes upang pumalo sa panibagong record low para sa ikatlong sunod na trading day kasunod ng pinakahuling big-time rate hike ng US Federal Reserve.

Ang local currency ay humina ng 49 centavos upang magsara sa P58.49:$1 mula P58:$1 noong Miyerkoles, na ika-8 all-time low na naitala ngayong taon.

Ang mga naunang records ay noomg September 2 (P56.77:$1), September 5 (P56.999:$1), September 6 (P57.00:$1), September 8 (P57.18:$1), September 16 (P57.43:$1), at September 20 (P57.48:$1).

Ang halaga ng piso ay bumagsak na ng P7.491 o 14.7% mula sa P50.999:$1 pagsasara sa huling trading day ng 2021.

“The US dollar/peso exchange rate again posted a new record for the third straight after the widely expected large/jumbo Fed rate hike,” wika ni Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) chief economist Michael Ricafort.

Itinaas ng Federal Reserve ang benchmark rate nito ng 75 basis points sa ikatlong sunod na pagkakataon.

“That increases the attractiveness/allure of the US currency with higher interest rate income on US dollar deposits/fixed income investments/securities,” ani Ricafort.