PISO SUMADSAD SA P56.06:$1

PISO-DOLLAR-3

HUMINA pa ang piso kontra dolyar sa ikatlong sunod na araw nitong Huwebes upang magsara sa P56:$1 level.

Ang local currency ay natapyasan ng 39 centavos para magsara sa P56.06:$1 mula sa P55.67:$1 noong Miyerkoles.

Ito na ang pinakamahina magmula sa P56.295:$1 pagsasara noong September 27, 2005 at palapir na sa record-low na P56.45:$1

Ayon kay Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) chief economist Michael Ricafort, ang paghina ng piso ay sanhi ng pagbaba ng gross international reserves ng bansa.

“The decline in the [gross international reserves] somewhat correlated with the weaker peso in recent months,” sabi ni Ricafort.

Sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang dollar reserves ng bansa ay nabawasan ng 1.7% sa $103.53 billion hanggang noong katapusan ng Mayo, o ang pinakamahina magmula noong September 2020.