PISTAHAN SA MEGA 5-COCK DERBY

ANG pinakahihintay na “Pistahan sa Mega 5-Cock Derby” ay aarangkada na bukas  (Huwebes) sa Roligon Mega Cockpit sa Parañaque City para sa una sa walong 2-cock eliminations na nakatakda sa makasaysayang sabungan na itinayo ni Rolly Ligon noong 1988.

Nasa 80 kalahok ang inaasahang maglalaban-laban, sa pangunguna nina Nico Fuentes (Datu Marikudo), Sherwin Aquino, Cesar Escabalon (Warluck GamebirdNWarriors), Daniel & Friends, Tata Elver Dansalan, Buboy Jamola, Lawrence Wacnang, Poly Llanto, VJ Belmonte, Anthony Ramos, Joey Santos & Rey Arroyo (Fire & Ice), Boyet Plaza, Kano Raya, Engr. Mike Grabaldea (Bicol sa Green Valley GF), Gary Alegre & Ariel Espiritu (Black Sinatra), Supermoon & Daniel, Ken Cantero,Pepito Luna (RDA & Pete) at Marruel Terrobias na may apat na entries.

Magpapatuloy ang mga eliminasyon sa Roligon sa Abril 25 & 28; Mayo 2, 5, 12, 16 & 19 kung saan may nakatayang P100,000 para sa Day Champion sa bawat araw at isang 32 inch television at P10,000 halaga ng Thunderbird Vetmed products para sa makaka-fastwest win sa ikalawang laban.

Sa kahilingan na rin ng mga suki ng Roligon sa buong bansa, at sa pakikipagtulungan ng  ilang mahuhusay at pinagkakatiwalang provincial derby hosts ay may nakalinya ring eliminasyon sa Abril  23 sa MRCI Cockpit, Zamboanga City (Bobby Fernandez & Manny Dalipe), Abril 27 sa Asin East Cockpit, Ma;asiqui, Pangasinan (Osmundo Lambino), Abril 30 sa Tiwi Cockpit Arena, Tigpi, Tiwi, Albay (Ian Almonte/Ambet Peña), Mayo 6 sa Lipa City (Fred Katigbak), Mayo 14 sa Tiwi Cockpit Arena at Mayo 16 muli sa Lipa City.

Handog ni Ka Lando Luzong & Friends at ng Thunderbird —  the winning formula bilang natatanging sponsor — P3 milyon ang garantisadong premyo ng “Pistahan” kung saan ang entry fee at minimum bet ay parehong P4,400 lamang. P1.7M ang championship prize.

Para sa pagpapareserba ng slots at iba pang detalye, maaaring tumawag sa Roligon Mega Cockpit sa  02-519-7345; Shirley sa 0920-9509090 o Tiling sa 0926-7134069.  Maaari ring magpalista sa Messenger ng Roligon Mega Cockpit FB page. EDWIN ROLLON