PITONG BARANGAY SA MINDANAO LUBOG SA BAHA DAHIL SA LPA

LPA

MAGUINDANAO – HINDI lang libo-libong katao ang apektado, kundi mga farm animal ang apektado dahil sa flashflood sa pitong barangay sa bayan ng Sultan Mastura bunsod ng walang humpay na pagbuhos ng ulan.

Ang nasabing mga barangay ay kinabibilangan ng Brgy. Solon, Kerker, Simuay seashore, Namuken, at Tariken.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Sultan Mastura, lubos na naapektuhan ang mga alagang hayop ng mga residente na hindi nailikas dahil nakita na lamang ang mga ito na nakalutang sa baha.

Bukod sa mga apektadong mga hayop, nasira rin ang mga pananim ng mga magsasaka.

Sa report, umabot ng hanggang sa baywang ang lalim ng baha sa ibang mga barangay sa nabanggit na bayan dahil sa pag-apaw ng Simuay River.

Dahil dito, maging ang kalapit bayan nitong Sultan Kudarat ay apektado rin.

Kaugnay nito, nagpapatuloy sa ngayon ang monitoring ng Provincial Disaster Risk Reduction Mangement Council (PDRRMC) Maguindanao sa mga apektado ng baha.

Agad ding ipinag-utos ni Governor Esmael “Toto” Mangudadatu ang pagbibigay ng tulong sa mga apektadong residente.             PMRT

Comments are closed.