PLANO SA PAGBANGON AT REHAB SA COVID PINASISIMULAN NA NG DILG

Jonathan Malaya

BAGAMA’T hindi pa  tapos ang COVID-19 pandemic, inatasan  ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang   local government units (LGUs) na simulan na ang pagpapaplano at paglalaan ng pondo para sa recovery at rehabilitasyon.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, dapat nang paghandaan ito upang makabangon na ang ekonomiya  na nalugmok dahil sa  pagkalat ng nakamamatay na sakit.

Bumuo na ng “Ready to Recover (We Rise as One) COVID-19 Local Recovery Planning Guide” ang DILG sa tulong ng World Bank.

Malaki ang maitutulong  ng recovery planning guide sa  LGUs para makabawi at makapaghanda sa pagtatapos ng kasalukuyang krisis.

Dagdag pa ni  Malaya, maraming bahagi ng bansa ngayon ay low-risk naman  kaya maaari nang magsimula ng kanilang pagbangon sa local level. EVELYN GARCIA

Comments are closed.