(Planong ipatupad matapos ang price cap) SRP SA BABOY, MANOK SA METRO

noel reyes

PINAG-AARALAN ng Department of Agriculture (DA) na magpatupad ng suggested retail price (SRP) sa baboy at manok sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Noel Reyes, may direktiba si Secretary William Dar na pag-aralan ang pagpapatupad ng SRP kapag napaso na ang dalawang buwang price ceiling sa Abril 8.

Ang price cap sa kasim at pigi ay P270/kilo habang sa liempo naman ay P300/kilo. Nasa P160/kilo naman ang price ceiling ng manok

“Pinag-aaralan kung i-include ‘yong kalapit region, Region 3, 4-A, ‘yong malapit sa Metro Manila,” sabi ni Reyes.

Mas pabor naman ang mga hog raiser sa SRP kaysa price ceiling.

“’Yong SRP, ika nga, puwedeng masunod, puwedeng hindi. ‘Di katulad ng price ceiling, ‘pag lumagpas ka sa presyong ‘yon, puwede ka nang hulihin. ‘Yong SRP, suggestion lang ‘yan,” sabi ni Pork Producers Federation of the Philippines Vice President Nicanor Briones

One thought on “(Planong ipatupad matapos ang price cap) SRP SA BABOY, MANOK SA METRO”

Comments are closed.