PLASTIC GAGAWING CONSTRUCTION MATERIALS

Rep-Robert-Barbers

HINIKAYAT ni House Committee on Dangerous Drugs Chairman Robert Barbers ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ang iba pang research bodies sa bansa na makipag-ugnayan sa foreign countries para sa teknolohiya ng pag-recycle sa mga plastic upang maging construction materials.

Ayon kay Barbers, dapat na i-tap ng DENR ang teknolohiya mula sa ibang bansa sa pagbabawas ng plastic materials kung saan ang mga ito ay maaari palang gamitin sa paggawa ng bahay.

Giit ng mambabatas, lumalala na ang marine pollution sa bansa na  ­pangunahing dahilan ng pagbabara sa mga daluyan ng tubig.

Batay sa 2015 report ng Ocean Conservancy at McKinsey Center for Business and Environment, lumalabas na ang Filipinas ang ikatlo sa may pinakamalaking source ng basurang plastic sa karagatan sa buong mundo at nangunguna naman sa Southeast Asia.

Pero lumabas sa Global Alliance for Incinerator Alternatives (GAIA) at Mother Earth Foundation (MEF) na kabilang sa top 10 polluters sa bansa ay multinational brands.      CONDE BATAC

Comments are closed.