‘PLASTIC WASTE’ APRUB GAMITIN SA ASPHALT PAVEMENT-DPWH

MAAARI nang gamitin ng lahat ng Regional Offices, District Engineering Offices at Unified Project Management Office Clusters ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga dinurog na plastik na basura upang lumikha ng mas matibay na mga national roads sa bansa.

Kamakailan ay nilagdaan ni DPWH Secretary Manuel M. Bonoan ang Department Order No. 139, Series of 2024 na nagtatakda ng pamantayan ng Kagawaran para sa paggamit ng recycled na materyal na tinatawag na Item 310 (15) – bituminous concrete surface course na may low-density polyethylene (LDPE) plastic bag waste, hot laid.

Ayon kay Secretary Bonoan, layunin ng bagong patakarang ito na isulong ang pag-recycle ng LDPE plastic bag waste sa pamamagitan ng pagdurog at paggamit nito bilang dagdag na materyal upang mabawasan ang posibilidad ng permanenteng deformasyon ng bituminous concrete surface course o asphalt concrete.

“This development is in line with the continuing efforts of the Department to support sustainable engineering and upgrade construction technology through adoption of successful research studies” ayon kay Bonoan.

Ang paggamit ng LDPE plastic bag waste sa asphalt cement mix ay matagumpay na nakapasa sa mga pagsusuri at pamantayan na itinakda ng DPWH Bureau of Research and Standards.

RUBEN FUENTES