TINAPOS na ng Senate Committee on Finance ang deliberasyon sa panukalang P5.768 trilyon na national budget para sa susunod na taon.
Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, bandang alas-4:42 ng madaling araw kahapon nang matapos ang deliberasyon sa plenaryo ng 2024 national budget makaraan ang dalawang linggong marathon sessions .
Nagsimula ang deliberasyon sa budget noong unang linggo ng buwan kung saan ang isa sa highlights nito ay ang pag-alis sa confidential funds ng Office of the President (OVP) at ng Department of Education (Deped).
Nitong Lunes ay nagdesisyon din ang mga senador na i-realign ang P300. milyong confidential funds ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Sinabi naman ni Senador Sonny Angara, chairman ng Senate committee on Finance, na isusumite nila ang panukalang pag-amyenda sa General Appropriations Bill (GAB) ngayong linggo.
Ayon pa kay Angara, maaari namang maaprubahan sa ikalawa at ikatlong pagbasa ang panukala sa Lunes.
Maaaring aprubahan sa second at third reading sa loob ng isang araw ang panukala kapag ito ay sinertipikahang urgent ng Pangulo. LIZA SORIANO