MAGSISIMULA na sa kanilang cadetship ang 350 kadete ng Philippine Military Academy class of 2024 makaraang masertipikahang COVID free.
Nakumpleto ng 350 kadete ang lahat ng kanilang health requirements kaya pormal na nanumpa at sumailalim sa reception rites sa Fort Del Pilar, Baguio City kahapon na kinabibilangan ng 280 kadeteng lalaki at 70 kadeteng babae.
Tinupad ng mga kadete ang health protocols gaya ng physical distancing at pagsusuot ng face mask sa reception rites na tradisyunal na pag-subok sa mga bagong kadete.
Ayon kay PMA Superintendent, Vice Admiral Allan Ferdinand Cusi, dahil sa COVID 19 ay kakaiba ang reception rites sa dating nakaga-wian at tanging ang PMA community lang ang saksi.
Matatandaang maging sa graduation rites ng PMA class of 2020, hindi rin pinayagan ang mga magulang ng mga kadete na dumalo sa simpleng seremonya.
Tiniyak naman ni Cusi sa mga magulang ng mga kadete na patuloy na ia-adopt ng PMA ang mga pagbabagong nangyayari dulot ng pandemya, habang pinapanatili ang pinakamataas na antas ng pagsasanay sa mga “future leaders” ng bansa. REA SARMIENTO
Comments are closed.