LANAO DEL SUR –PINAG-AARALAN na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Philippine National Police (PNP) ang ilalatag na security blanket kaugnay sa special election sa war torn Marawi City.
Kapwa nagpahayag ng kanilang kahandaan ang AFP at PNP na tiyakin ang seguridad sa gaganaping Special Elections ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) sa Marawi City sa Setyembre 22.
Ayon sa Task Force Marawi, may sapat na puwersa ang AFP na naka-deploy sa lungsod at sa mga karatig bayan nito para mapangalagaan ang kaayusan at kapayapaan kaugnay sa gaganaping filing of certificate of candidacy at sa actual election day.
Inihayag naman ni ARMM regional director P/Chief Supt. Graciano Mijares na may 1,000 pulis ang kanilang ipakakalat sa siyudad kasabay ng halalan sa Setyember 22.
Iginiit ng opisyal na hindi maaaring magpapakampante lang ng basta ang kanilang hanay, bagamat wala namang bangayan mula sa mga local official ng barangay sa Marawi City.
Kinumpirma pa ng opisyal na tuloy-tuloy ang kanilang pakikipag koordinasyon sa hanay ng military kaugnay sa gagawin nilang pagbabantay sa 24 barangay sa siyudad.
Sa ngayon nagpapatuloy ang preparasyon ng mga pulis at sundalo na kapawa itinuturing na deputized agencies ng Commission on Election sa panahon ng eleksiyon. VERLIN RUIZ
Comments are closed.