TINAYA ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Camilo Pancratius Cascolan na nasa 9,737 pulis lamang ang maaari nilang ma-recruit sa unang anim na buwan sa susunod taon o sa 2021.
Ang nasabing bilang ay 31 percent lamang ng kailangan nilang 30,572 na pulis para makamit ang ideal na ratio na 1 cop per 500 civilian.
Sa datos, mayroon lamang 203,538 ang puwersa ng PNP kaya ang ratio ay 1 is to 540 o isang pulis ang nagbabantay sa 540 katao.
Inihayag ni Cascolan ang actual na bilang ng PNP personnel nang humarap ito kasama ni Interior Secretary Eduardo Ano sa Kamara de Representantes para idepensa ang hinihiling budget para sa 2021 ng kagawaran at attached agencies.
Sa interpellation ni Baguio City Congressman Mark Go kay Cascolan ay tinanong kung kayang makamit ang ideal ratio subalit dahil sa kasalukuyang sitwasyon bunsod ng pandemya ay malabo pa ang mass recruitment sa PNP
Tiniyak naman ni Cascolan na nakakatugon ang police force para sa seguridad ng publiko.
Samantala, hiniling ni Go kay Cascolan na madagdagan ang bilang ng mga pulis sa Baguio City na binigyan naman ng positibong tugon ng PNP chief. EUNICE C.
Comments are closed.