MAGLALABAS ang Philippine National Police (PNP) ng operational guidelines laban sa paputok upang matiyak ang ligtas at mapayapang selebrasyon ngayong Yuletide season.
Sinabi ni PNP Chief, Gen. Dionardo Carlos na susunod sila sa Executive Order No. 28 kung saan nakasaad ang Regulaion and Control of the Use of Firecrackers and other Pyrotechnic Devices.
“The PNP will make sure that the provisions on regulating, manufacturing and distributing firecrackers will be strictly implemented based on Executive Order No. 28 that provides for the Regulation and Control of the Use of Firecrackers and other Pyrotechnic Devices,” ayon kay Carlos.
Suportado rin anya ng PNP ang Department of Health sa pagusulot ng pambansang adbokasya na ligtas na selebrasyon sa holiday season lalo na sa pagsalubong sa Bagong Taon na tradisyong ginagawa sa pagpapailaw at pagpapaputok.
Makikipag-ugnayan din anya ang PNP sa mga local government unit para matukoy ang mga papayagang lugar kung saan may magbebenta ng paputok na pinapayagan.
Kasabay ng panawagan na mag-ingat, sasabayan din ng police visibility sa lugar na siyang magpapaalala na bawal ang paputok at iba pang pyrotechnic gaya ng watusi at iba pang delikadong paputok.
Inaasahang maglalaan naman ng firecracker zones sa bawat LGUs upang matiyak ang kaligtasan.
“These zones shall be carefully inspected in coordination with public safety agencies such as the Bureau of Fire Protection and local DRRMC,” ayon pa sa PNP. EUNICE CELARIO