LA UNION – MABILIS nang nakakuha ng lead ang mga imbestigador ng La Union PNP kaugnay sa paglikida kay dating 2nd District Rep. Eufranio Eriguel.
Ayon kay Chief Insp. Alfredo Padilla, officer-in-charge ng Agoo, La Union Police Station, nagpa-follow up na ang pulisya kaugnay sa ilang lead sa krimen na maaaring sundan ng mga homicide prober nila.
Ayaw namang tukuyin ni Padilla sa media kung ano ang nasabing lead na kanilang nakalap upang hindi umano maapektuhan ang ginagawang follow-up investigation.
Politika ang isa sa mga anggulong tinitingnan ng mga pulis sa pagpatay sa dating mambabatas na isang ‘doctor by profession’ at asawa ni incumbent La Union Rep. Sandra Eriguel, na binaril habang nagsasalita sa isang meeting de avance sa Barangay Capas.
Nabatid na halos magkakamag-anak lamang ang magkakatunggali sa gaganaping Barangay at SK election sa kanilang lugar kaya umaasa itong hindi na masusundan pa ng panibagong karahasan ang nangyaring pagpatay kay Eriguel.
Ang pagpatay kay Eriguel ay kauna-unahang insidente ng election related violence incident na naitala sa lugar.
Ayon kay La Union Provincial Police Office Chief Sr. Supt. Genaro Sapiera, bukod kay Erinque, patay rin ang dalawang security escoarts nito. VERLIN RUIZ
Comments are closed.