CAMP CRAME- BALIK na sa duty si PNP Spokesperson PBGen Bernard Banac matapos na maka-fully recover sa kanyang ‘back injury’.
Matatandaang si Banac ay isa sa pitong opisyal na kasama ni PNP Chief PGen. Archie Francisco Gamboa nang bumagsak ang sinasakyan nilang helicopter habang pa-take-off sa San Pedro, Laguna noong Marso 5.
Si PNP Chief, Gen. Archie Francisco Gamboa ang unang na-discharge mula sa kanyang pagkaka-ospital matapos ang aksidente at noon pang Marso 9 nakabalik sa trabaho.
Ang dalawang pinakamalubhang sugatan sa insidente na sina PNP Director for Comptrollership PMGen. Jovic Ramos at PNP Director for Intelligence PMGen Mariel Magaway ay nananatiling nasa maselang kondisyon sa ospital.
Sa isang text message sa mga reporter sa Camp Crame, sinabi ni Banac na epektibo kahapon, Marso 16, ay nag-report na siya for duty.
Pansamantalang humalili sa kanya bilang tagapagsalita ng PNP sa mga nakalipas na araw ang kanyang boss na si PNP Director for Police Community Relations PMGen. Benigno Durana. REA SARMIENTO
Comments are closed.