PNP WALA PANG NAHUHULI SA IPINATUTUPAD NA MONEY BAN

WALA pang nahuhuli ang Philippine National Police (PNP) sa ipinatutupad na money ban.

Ito ang paglilinaw ni PNP Director for Operations BGen. Chito Bersaluna.

Aniya, sa closed coordination sa Commission on Elections sa pagpapairal ng money ban, limang araw bago ang barangay and sangguniang kabataan elections ay wala pa silang nahuhuli.

“As of this time wala pa tayong natatanggap na nagkaroon ng violations,” ayon kay Bersaluna
Ang money ban ay ipinairal ng Comelec at law enforcement agencies upang pigilan ang vote buying at vote selling.

Alinsunod ito sa “Kontra Bigay campaign” kung saan ipinagbabawal ang pag-transport ng small bills na nagkakahalaga ng P500,000.

Samantala, aminado si PNP Chief General Benjamin Acorda Jr. na mahirap iwasan ang vote selling lalo na sa lagay ng ibang mamamayan, umaasa ito na maiwasan ang nasabing gawain.
EUNICE CELARIO