PNPA ALUMNI HOMECOMING IPINAGPALIBAN

William Macavinta

CAVITE- GAYA ng nangyari sa Philippine Military Academy (PMA) Alumni Homecoming, maaantala rin ang sa Philippine National Police Academy (PNPA).

Magugunitang dapat ay Pebrero 14 ang alumni homecoming ng PMA sa Baguio City subalit idinaos noong Pebrero 2 habang isang araw lang ang naging aktibidad ng mga cavaliers.

Gaya ng rason ng PMA, banta pa rin ng Coronavirus disease 2019 ang sanhi ng postponement.

Base sa PNPAAAI advisory, napagdesisyunan ng Board of Trustees na ikansela ang Homecoming sa March 12 hanggang March 15, 2020 batay na rin sa proclamation 922.

Ayon kay PBGen William Macavinta Chairman ng PNPA Alumni Association Inc, ang ginawang pagkansela  ay para  na rin sa kaligtasan ng mga dadalo sa event.

Sa kasalukuyan, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Department of Health kaugnay sa COVID-19.

Maglalabas naman ng advisory ang PNPAAAI sa mga susunod na araw kapag bumuti na ang sitwasyon ng bansa at masigurong contained na ang sakit. REA SARMIENTO