PNVF UNDER-18 CHAMPIONSHIPS FOR BOYS AND GIRLS ITINAKDA

LABING-ANIM na senior high schools at club teams ang nagkumpirma na ng kanilang partisipasyon sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Under-18 Championships for Boys and Girls na hahataw sa February 17 sa Rizal Memorial Coliseum.

Sinabi ni PNVF President Ramon “Tats” Suzara na umaasa ang federation na madaragdagan pa ang mga kalahok ngayong linggo makaraang magpadala ang ilang eskuwelahan at clubs ng letters of intent para lumahok sa torneo na ibinalik makaraan ang ilang dekadang pahinga.

“This Under-18 Championships aims to keep the pool of young players active,” wika ni Suzara. “This tournament serves as a feeder for future national teams.”

Limang koponan — California Precision Sports-Antipolo City, Paranaque Thunderbolts Volleyball Club, Santa Rosa City, Angeles City at Sto. Nino de Praga Academy (Trece Martires, Cavite)—ang magpapadala ng koponan sa parehong boys and girls divisions.

Sasabak din sa season-opening national tournament ang PNVF ang Philippine Christian University (Manila), Queen Ann School (Santa Rosa), Justice CM Palma High School (Quezon City), Hermosa Volleyball Club (Bataan), Municipality of Nagcarlan (Laguna) atbMayamot National High School (Antipolo City) sa boys division.

Ang iba pang lalahok sa girls’ side ay ang Ateneo de Manila University, Grace Christian College Foundation (Taguig City), New Gen-Municipality of Sta. Cruz (Laguna), Mayamot National High School (Antipolo City), UVL-Science City of Munoz atbParanaque Berets.

Sinabi ni competition director Oliver Mora na ang mga laro ay idaraos tuwing weekends kung saan ang finals para sa parehong genders ay nakatakda sa March 12. Si Yul Benosa ang event director.