ANG pagbuo ng Philippine volleyball teams para sa international competitions sa hinaharap ay wala na sa mga kamay ng coaching staff.
Ayon kay Ramon Suzara, presidente ng newly-formed Philippine National Volleyball Federation, Inc., ang pagpili ng mga player para sa international meets ay babagsak na ngayon sa ilalim ng PNVFI national team committee.
“This department will be in charge of this. The coach will no longer be the only one to choose the players,” pahayag ni Suzara sa online Philippine Sportswriters Association Forum kahapon.
Aniya, ang naturang komite na may sariling chairman, secretary at limang miyembro ang mangangasiwa sa lahat na may kaugnayan sa national team para sa mga event tulad ng Southeast Asian Games, Asian Games at iba pang FIVB events.
Sa dating kalakaran, ang federation ang pumipili sa head coach, na siyang magpapatawag ng tryouts at pipili ng mga miyembro ng men’s at women’s volleyball teams.
Si Suzara ay uupong co-chairman ng komite.
Idinaos ng PNVFI ang eleksiyon nito noong nakaraang buwan at agad na kinilala ng FIVB, ang world governing body sa sport, kapalit ng Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. (LVPI) at Philippine Volleyball Federation (PVF).
Ayon pa kay Suzara, miyembro ng FIVB marketing committee af head ng Asian Volleyball Confederation (AVC) marketing and development committee, na plano niyang bumuo ng mas malaking pool ng national players.
“So, we can change players anytime,” sabi niya sa forum.
Si Suzara ay sinamahan sa weekly session nina PNVFI vice president Arnel Hajan, board member Charo Soriano, at national team mainstays Alyssa Valdez, Jaja Santiago and Aby Marano.
Inilatag ni Suzara ang10-point program para sa PNVFI, kabilang ang pagbuo ng national league na pag-aari ng federation, kung saan magdaraos ito ng world-class events sa bansa at bubuhayin ang age-group competitions sa buon bansa.
“We’re happy that there are plans to help the growth of Philippine volleyball. This is just the beginning,” sabi ni Valdez, na itinuturing pa ring mukha ng sport sa bansa.
Sinabi pa ni Suzara na plano rin ng PNVFI na dagdagan ang mga miyembro nito mula sa kasalukuyang 52 ay gagawing 82, na kumakatawan sa lahat ng probinsya.
“We see a bright future. When we become inclusive it’s easier to grow. We will reach out to far-flung areas and extend the beauty of volleyball. This is just the first step. A lot of things need to be done,” ani Soriano.
“There is no substitute to unity and genuine change,” wika naman ni Hajan.
Comments are closed.