PNVFI SALUDO KAY JAJA

NAGPASALAMAT si Jaja Santiago sa mga opisyal ng Philippine volleyball sa pagbibigay papuri sa kanyang performance sa Saitama Ageo Medics na naghari sa Japanese V. Cup noong Linggo.

“Thank you very much, Sir Tats,” ang mensahe ni Santiago kay Ramon ‘Tats’ Suzara.

Si Suzara ay presidente ng Philippine National Volleyball Federation, na noong Martes ay nagpadala kay Santiago ng congratulatory message.

“On behalf of the entire leadership of PNVF, I extend my warmest and most heartfelt congratulations for your achievement,” sabi ni Suzara kay Santiago sa liham. “Let this be an important milestone that will bring even much more to your already outstanding career.”

“Para sa bayan!” ani  Santiago, na kinuha ng Ageo Medics sa 2019-20 season bilang imported player sa kampanya nito sa top-tier Japanese league.

Si Santiago ay naging unang Pinoy na nagwagi ng volleyball title sa labas ng Filipinas. Sa bansa, ang 6-foot-5 outside spiker mu-la sa Cavite City ay nanalo ng club championships sa PLDT Home Ultera at Foton, at 2018 UAAP MVP sa kanyang huling  season para sa National University.

Tinalo ng Saitama ang NEC, 26-24, 20-25, 25-21, 25-17, sa gold medal match sa Ota City General Gymnasium sa Tokyo kung saan nag-ambag si Santiago ng 11 points sa 9 spikes at 2  blocks, ang third best performer sa kanyang koponan kasunod nina Yuka Sato (15 points) at Shainah Joseph (14 points).

Winalis ng Ageo Medics ang  five-game eliminations sa Group B at sinibak ang JR Marvelous, 25-21, 25-22, 18-25, 18-25, 15-13, sa semifinals.

Tinulungan din ni Santiago ang Saitama sa bronze medal sa 2020 V.League.

Si Santiago ay nakatakdang dumating mula sa Japan ngayong araw.

5 thoughts on “PNVFI SALUDO KAY JAJA”

  1. 67193 545113It is truly a cool and useful piece of information. Im glad that you simply shared this helpful info with us. Please stay us informed like this. Thank you for sharing. 742300

Comments are closed.