PAG-AAGAWAN nina Abraham ‘Bambol’ Tolentino, presidente ng Integrated Cycling Federation of the Philippines (PhilCycling), at Philip Ella Juico, ang Philippine Athletics Track and Field Association chief, ang Philippine Olympic Committee (POC) presidency sa eleksiyon na gaganapin ngayong araw sa Century Park Hotel sa Manila.
Ang ticket ni Tolentino ay kinabibilangan nina Robert Aventajado bilang POC chairman, at Cynthia Carrion at Monico Puentevella bilang board members.
Sina Aventajado, Carrion at Puentevella ay heads ng national bodies ng taekwondo, gymnastics at weightlifting, ayon sa pagkakasunod-sunod.
Nasa panig naman ni Juico sina Steve Hontiveros bilang chairman, at Clint Aranas at Lani Velasco bilang board members. Sina Hontiveros, Aranas at Velaso ang namumuno sa national associations ng handball, archery at swimming, ayon sa pagkakasunod-sunod.
Binigyang-diin ni Tolentino ang ‘sensibility’ ng eleksiyon – ang ikatlo sa Olympic cycle na ito, na magtatakda sa direksiyon ng POC sa susunod na kalahating henerasyon.
“I am calling on my fellow NSA heads to prioritize the POC’s future when they cast their votes,” ani Tolentino. “The POC is an institution that needs protection.”
Si Tolentino ay 55-anyos, habang si Juico ay magdiriwang ng kanyang ika-72 kaarawan sa December kung kailan iho-host ng bansa ang 30th SEA Games.
“I will wield a broom,” ani Tolentino, patungkol sa pagwalis sa political mess na bumabalot sa POC. CLYDE MARIANO
Comments are closed.