POGO LICENSEE ISINARA

BIR-2

ISINARA kahapon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang isang offshore gaming operator sa Pasay City dahil sa kabiguang magbayad ng tamang buwis mula sa kanilang kinita noong 2019.

Ayon sa BIR, ang Synchronization Anywhere For You Inc (SAFYI) ang unang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na ipinadlak ng pamahalaan dahil sa hindi pagbaba­yad ng 5 percent franchise tax para sa gross gaming receipts nito para sa taong 2019 na nagkakahalaga ng P114 mil-lion.

“SAFYI is the first POGO licensee/operator closed by the BIR for failure to pay the 5 percent Franchise Tax due on its gross gaming receipts for taxable year 2019,” sabi ng BIR.

Ilang POGO service providers at businesses na nagseserbisyo sa Chinese nationals ang nauna nang isinara dahil sa tax at license violations.

“Under Presidential Decree No. 1869, the entire gross gaming revenue from offshore gaming operations of franchise holders is subject to 5 percent tax, in place of all other taxes,” sabi ng BIR.

Patuloy ang pagtugis ng Task Force POGO ng BIR, kasama ang  Department of Finance (DOF) sa mga kompanya na hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Hanggang noong Pebrero 1, may 60 licensed POGOs sa Filipinas at daan-daang POGO service providers.

Nauna na ring sinuspinde ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) ang pagproseso ng bagong POGO licenses kasunod ng apela mula sa Chinese government na parusahan ang mga kompanya na ilegel na nangangalap ng kanilang nationals para magtrabaho sa Filipinas.

Comments are closed.