HINDI na nakapagpigil si Pokwang na talakan ang MMDA authorities para kondenahin ang pagtanggal agad ng ilang pelikula sa mga sinehan sa ikatlong araw pa lang ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019.
Ipinarating ni Pokwang ang panawagan sa pamamagitan ng kanyang Facebook account at Twitter. Hindi raw dapat tinanggal agad sa mga sinehan ang pelikulang “Mindanao” at “Culion” dahil ito lang daw ang pelikulang nagpapakita ng kultura at bahagi ng history ng Filipinas.
Suggestion ni Pokwang na bawat mall sa bansa ay maglaan ng isang sinehan para sa mga katulad ng nabanggit na pelikula. Kapag tumanggi raw ang mga ito ay hindi lalagyan ng malalakas na mga pelikula ang kanilang mga sinehan.
Binanatan din ni Pokwang ang mga sinehan at pati na rin ang MMDA na huwag daw pera-pera na lang ang isipin ng mga ito kundi ang kapakanan ng mga filmmaker na naghihirap at gumastos para lang makabuo ng isang matinong pelikula.
Sinuportahan naman ng kanyang mga followers si Pokwang sa kanyang ipinaglalaban.
Si Pokwang ay kasama sa cast ng pelikulang entry ni Bossing Vic Sotto, Maine Mendoza atbp sa MMFF 2019.
Tulad nang inaasahan ng karamihan, ang mga pelikulang matino at may katuturan lang daw ang mag-uuwi ng karangalan sa ginanap na Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival 2019.
Sa mga category na pinagkalooban ng karangalan ay tatlong pelikulang entry sa MMFF 2019 lang naghakot ng awards.
Parang ipinamukha ng mga naging hurado ay tatlo o apat lang ang may katuturan at matinong pelikula. Ang ibang entry ay basura at walang kuwenta para panoorin at bigyan ng karangalan.
Ang tatlong entry movie na “Mindanao,” “Write About…” , “Sunod” at “Culion” ang humakot ng award sa Gabi ng Parangal na ginanap sa New Frontier Theater last Friday night.
Ang mga pelikulang humakot ng award ay siya rin entry movie sa MMFF 2019 ang nangungulelat sa takilya at mga pelikulang hindi nabigyan o napansin ng mga hurado para bigyan ng karangalan ang siyang dinudumog sa takilya.
Sa parte ng isang producer ay sigurado kami ng mas pipiliin nila na kumita ang kanilang pelikula kaysa magkaroon ng award na wala naman kinita sa takilya as in flopsina, ‘di ba?
o0o
CONGRATULATIONS sa bagong kasal na sina Naj at Khai na ikinasal last December 23 sa pamamagitan ng garden wedding sa Narra Hills Tagaytay.
Ilan sa mga naging principal sponsor ay ang maybahay ng inyong lingkod na si Esperanza D. Ocampo at Barangay Chairman 495 ng Manila na si Karlo Dimatulac at kanyang misis na si Dulce Dimatulac.
Grabe ang layo ng venue pero sulit naman kapag narating mo ang pinagdausan ng garden wedding.
Ring bearer ang aking apo na si Zion Jorge R. Ocampo at bridesmaids Dorcas Joy Rodriguez.
Sa sobrang lamig sa Tagaytay that day ay siguradong nag-enjoy ang lahat ng mga dumalo at siyempre ang bagong kasal.
Comments are closed.