WARSAW – NAKATAKDANG lumagda ng kasunduan ang Poland at Filipinas para punan ang labor force sa Warsaw.
Una nang tinutulan ng right-wing government ng Poland ang pagkuha ng migrants, at maaaring kumuka ng Filipino workers para ibsan ang lumalawak na labor shortage sa kanilang bansa upang mapigilan ang krisis sa kanilang ekonomiya.
“We are on course to conclude an agreement. I hope that in the autumn we will be able to at least sign a preliminary accord” with the Philippine authorities,” ayon kay Deputy Labor Minister Stanislaw Szwed.
Isa naman sa tinitingnang dahilan kung bakit nais ng Poland ang Filipinas ay dahil parehong Roman Catholic countries ang da-lawang bansa at maaaring magkasundo sa cultural values.
Kabilang sa mga trabahador na kailangan sa Poland ay mga IT expert, medical and construction sectors.
Sa pagtaya, aabot sa 4 million workers ang magiging kakapusan sa Poland pagsapit ng 2030.
Gaya sa Japan, ito ay dahil tumatanda na ang mga manggagawa sa Poland habang maliit lamang ang birth rate.
Sa kasalukuyan, umaasa lamang ang Poland sa katabing bansa na Ukraine para punan ang kanilang workforce subalit sa mga susunod na taon ay aabot sa 300,000 workers ang kanilang kakailanganin. EUNICE C.
Comments are closed.