INIUTOS ni Department of the Interior and Local Government (DILG) OIC Secretary Eduardo M. Año sa Philippine National Police (PNP) na maglagay ng police assistance desks sa lahat ng pampublikong paaralan sa darating na pasukan sa taong SY 2018- 2019.
Sinabi pa ni Año “Ensuring peace and order is part of enabling a conducive learning environment. Police officers shall be as-signed in schools during school opening and conduct foot patrols,”
Layon nito ang mga pampublikong mga paaralan kung saan mataas na bilang ng mga mag-aaral ang pumapasok kada taon, “In support to the Oplan Balik Eskwela Inter-Agency Task Force of the Department of Education where the DILG and PNP are among the member agencies” dagdag pa ni Ano.
Nakipag-ugnayan naman si DILG Assistant Secretary Jonathan Malaya sa mga local chief executive para sa gabay sa pagsisimula ng pasukan. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.