POLICE ESCORTS HINDI IRE-RECALL

Restito Gatera2

HINDI ire-recall ang mga pulis na may security detail sa mga opisyal ng gobyerno at iba pang personalidad.

Ito ang tiniyak ni Brig. Gen. Restito Gatera, hepe ng Police Security Protection Group (PSPG) sa kabila ng napaulat na may ilang unit ng PNP ang pinababalik na sa kanilang departamento.

Nabatid na may 30 police escorts ng mga VIP at mga opisyal ng gobyerno sa Negros Oriental ang binawi ng Provincial Police Office para maitalaga sa mga tungku­ling nakatutok sa paglaban sa COVID-19.

Paglilinaw ni Gatera, may otoridad ang mga Regio­nal at Provincial Police Office na alisin ang mga security detail lalo na kung may sapat na basehan.

Sa panig ng PSPG, nananatili pa rin silang handa na magtalaga ng mga pulis para magbigay proteksyon sa mga indibidwal na naaprubahan ang hiling para sa pagkakaroon ng security detail.

Kabilang dito, ang mga humingi ng saklolo sa PNP dahil sa mga tinatanggap na pagbabanta sa buhay at sa mga kinatawan ng ibang mga bansa dito sa Fili-pinas. EC

Comments are closed.