POLICY SA PAGHULI SA DRIVER NA WALANG FACE MASK, PINALILINAW

Atty Ariel Inton-3

PINALILINAW ng commuter advocate group na Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang isang bagong panuntunan sa pang huhuli ng mga traffic enforcer kaugnay ng tamang pagsusuot ng face mask sa mga pribadong sasakyan.

Ito ay kasunod ng dumaraming motoristang dumudulog sa tanggapan ng LCSP matapos mahuli at pagmultahin ng malaking mahalaga dulot ng ipinataw na reckless driving dahil sa hindi pagsusuot ng kanilang face mask kahit mag -isa lamang sila sa kanilang sasakyan.

Nais ni LCSP Founder Atty. Ariel Inton na klaruhin sa  mga motorista ng Land Transportation Office at Department of Transportation ang panghuhuli bunsod ng napakabigat na kaparusahan na pinapalagan din ng marami.

Ani Inton, walang masama sa pagsunod sa mga minimum health protocols ng pamahalaan sapagkat kaligtasan ang nakasalalay subalit nararapat naman aniyang linawin ng mga ahensiya na nagpapatupad ng nasabing bagong polisiya dahil sa pinaniniwalaang hindi angkop ang nasabing parusa.

Sa ilalim ng Memorandum Circular 2020-2185 sa LTO noong May 12, 2020 ay nagpalabas ng Guidelines in the Enforcement of Regulations na ipinalabas ng DOTr para sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Sa Article III Sec 4 (b) nakasaad dito na lahat ng drivers at passengers ng private at government vehicles ay kinakailangan na palagiang magsuot ng face masks habang  bumibiyahe.

“Dito nagkalituhan dahil may mga hinuling driver kahit walang pasaherong sakay,” saad ni Inton.

Nilinaw naman  ng LTO na kapag ang driver ay mag- isa lang at walang pasahero ay maaari siyang walang suot na mask. Subalit kapag may pasahero ay mandatory na may mask silang suot pasahero man o driver.

Sa ngayon ay mas mataas ang penalty sa hindi pagsusuot ng mask. Sa  first offense ay P1,000 habang sa aecond offense ay P2,000 samantalang sa third offense ay nasa P3,000 na penalty at posibleng kanselasyon na ng drivers license sa ikaapat na paglabag.

“Kamakailan lamang ang isang motorista nga ay tinikitan sa isang expressway dahil sa hindi pagsuot ng facemask at pinatawan ng reckless driving at ang penalty na binayaran niya ay PP2,077, bakit reckless driving? Dahil sa Article IV Administrative Sanctions, Ground Procedure Sec 7 in relation sa JAO na ” non compliance with sanitary measures will be considered as reckless driving. ang bigat! pero paano naman ang rider ng motor na naka-helmet? Mag face mask pa ba siya?  At ‘pag wala, reckless driving siya?”pagtatanong pa ni Inton.

“Sana naman ang mga enforcers natin alam nila kung kailan at paano dapat ipatupad ang mga ito,” dagdag pa ni Inton.” BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.