Isinusulong ng ilang retiradong heneral na tuldukan ang sistema ng patuloy na umiiral na laganap na political dynasty at pamamayagpag ng mga angkan ng mga pulitiko na tumatakbo at nakaupo sa iba’t ibang puwesto sa bansa.
Kabilang ang anti-dynasty sa inilunsad ng multi sectoral na grupo na tinawag na ANIM o “Alyansa ng Nagkaka-isang Mamamayan” gayundin ang paglaban sa isyung korupsiyon at dayaan sa halalan, na ginanap kamakailan sa Club Filipino.
Aktibong nakilahok dito ang mga retiradong heneral kabilang sina dating AFP Chief of Staff Renato de Villa.
“Mula ng 1998 hanggang 2024 wala ng nangyayari. Kailangan na ng pagbabago. Pagbabago? Yun pala mangungurakot. Panahon na para magsama-sama tayo para sa pagbabago,” ang sabi ni Retired General Renato de Villa.
Si de Villa ay naging Chief din ng Philippine Constabulary, Director-General ng Integrated National Police. Nagsilbi rin siyang Secretary of National Defense sa ilalim ng dating mga Pangulo ng Pilipinas na sina Corazon Aquino at Fidel V. Ramos, at nagsilbing Executive Secretary sa ilalim ng dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
“Mga retired military kumilos na tayo.Ayain na natin ang ating mga kababayan na samahan na tayo, palakihin at padamihin natin ang ANIM,” ang sabi naman ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na isang retired police officer.
Bukod sa pagkontra sa political dynasty, isusulong din ng bagong tatag na alyansa ang people’s initiative sa pamamagitan ng mga legal na hakbang upang matigil na ang political dynasty, kontrahin ang corruption at maipatupad ang proseso ng reporma sa halalan at iba pang proseso sa pamamahala sa bansa.
Nakiisa rin dito ang sektor ng simbahan at mga kasapi ng civil society organizations, negosyante, kabataan, kababaihan at professional sa paglulunsad ng binuong grupo.
“We will not campaign for any political candidate, and political party or a partylist. Para po tayo sa lahat.Ang atin pong lalabanan yung tatlong issues. ANIM will not allow itself to be used to advance partisan interest dahil kailangan po tayong mga Pilipino ay muling makapagtaas noo kahit kanino,” sabi naman ni retired Lt.Gen.Edilberto Adan, Chairman Advocates of National Interest.
“Ako ay lumabas galing sa napakasarap na buhay na retirado.Sapagkat ang mga kasamahan ko ay nanawagan na kumilos na tayo. Tayong mga retired military…hikayatin natin ang ating mga kababayan na samahan na tayo na magbago ang Pilipinas,” sabi ni de Villa.
PI ISINUSULONG
Isa sa isusulong ng ANIM ay ang people’s initiative upang tuldukan na ang anila’y naglipanang political dynasty sa bansa.
“ANIM, Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan will take a bold action by spearheading a people’s initiative to enact an anti-political dynasty law.We are called to action. The time for change is now. No to corruption. No to political dynasties and yes to electoral reforms,” pahayag naman ni Bishop Colin Bagaforo, Presidente ng Caritas Manila.
Ayon sa dating senatorial candidate na si Atty. Alexander Lacson magiging agresibo, puspusan at sabay sabay ang gagawin nilang pagkilos.Una, plano ng ANIM na maghain sa Korte Suprema para obligahin ang Kongreso na maghain ng petisyon sa Korte Suprema para obligahin navmagpasa ng “anti-political dynasty law”.
“Kahit hindi natin siya ma achieve this election. Basta right after the election, the work will continue, and we can actually do it right after the elections.But ang importante po, if we want ro put urgency tp this, let us start now,” sabi ni Lacson.
“It’s been 38 years pinabayaan natin. Why don’t we start something now. Even if we fail we fail again. Let’s keep starting all over again,” sabi ni Bishop Gerry Alimanza ng San Carlos Parish.
“Ang Baguio, hindi talaga naniniwala sa political dynasty. Very strong ang kanilang sentiments,” ayon kay Baguio Mayor Benjamin Magalong.
Para naman kay retired General Raul Urgelio, Former Philippine Army Commanding General, loose organization pa umano ang naturang alyansa, patatatagin, at padadamihin pa aniya ang mga grupo at sektor upang maging tunay na boses ng bayan.” There is a black swan.We are avoiding that something violent will happen,” sabi ni Urgelio.
Samantalang ang iba sa mga dumalo ay nagpahayag na maaring idaan sa legal na paraan ang paghingi ng pagbabago, sinabi naman ng iba na kailangan aniya sa political na paraan din gawin.
“We want the devolution of powers removed.Hindi na kasi naging centralized, naging mga makapangyarihan na ang mga local government ito ang effect ng transfer of power,”ang puna ni Urgelio. Prices of good are also very expensive,”dagdag pa nito.
Kung sakali aniyang magkagulo, dahil sa taas ng gasolina, posible aniya na mag-collapse ang ekonomiya.
Ilan aniya sa ipinag-aalala nila dahil sa ilang isinusulong ng mga pulitiko ay ang pagpapalawig ng kapangyarihan.” Sa kaaayuda nila.70 percent sa election, some of these mayor or congressmen might run unopposed,” dagdag pa niya.
Paliwanag ni Urgelio, isa pa anya sa ibig nilang isulong ay ang paglikha ng batas na totoong magpapatupad ng anti-dynasty at hindi mga self-serving na batas.
“We the officers and members of the National ROTC Alumni Association Inc. also known as Naraa, comprising 70 percent of our Armed Forces manifest our solidarity to the call for good governance…we fully support our government’s efforts to fight corruption,illegal drugs,alleviate poverty, and secure the integrity of our national teritory,” ang sabi ng National ROTC Alumni Association Inc.(NARAA) na nilagdaan ng Chairman nito na si Major General Gilbert Lianto.
“We have come together at a time when our country is mired in debt to the tune of about P15.18 trillion as of the end of February 2024, when we are ranked 115th among 180 least corrupt countries in the 202 Global Corruption Perception Index, when the comprehension of our younger generation of students pales in comparison with their counterparts to the rest of the world,when we suffer the inundation of floodwaters due to corruption and disjointed public works and reclamation projects, when our electoral process is corrupted and the true people’s will is not reflected in the results, and when a large part of our population considers themselves poor and hundry,”ang nakasaad sa Manifesto ng Anim.
“We appeal to His Excellency President Ferdinand Marcos Jr. top take a diret hand in bringing about a meaningful change and do what is good for the people by certifying as urgent a bill that will define political dynasty to Congress,”ang patuloy na nakasaad sa naturang manifesto.
“Very strong ang campaign namin, particularly for good governance, particularly in the fight against corruption. Doon naman sa dynasty ..importante sa amin ay they are adhering to the principles of good governance. Tuloy tuloy ang aming advocacy, raising awareness…so more on speaking up,” sabi ni Magalong.
Ma. Luisa Macabuhay-Garcia